Wednesday, May 7, 2014

LARO VS NEGOSYO

Laro vs Negosyo
Siguro nag sign-up kayo sa larong ito para kumita ng totoong salapi. Hindi ko kayo masisisi dahil talaga namang nakaka-engganyo ang mga banner ads ng larong ito. Paalala ko lang, hindi ito easy money... Kailangan paghirapan at pagtiyagaan.
Kung gusto mo ng easy money, mali ka ng napasukan. Hindi ito katulad ng mga nakasanayan nating mga networking tulad ng Vmobile na maaaring kumita ng libo sa isang araw. Kailangan niyong malaman na tiyaga at pasensya lamang ang puhunan sa larong ito para umabot ka sa lebel ng easy money.

Sa umpisa, maaaring nakakatamad ang larong ito. Kung sanay ka sa mga larong RPG, MMORPG, at FPS tulad ng Dota, Dragon Nest, at Crossfire, siguradong tatamarin at quit agad ang gagawin mo.

Pero kailangan mo ring isipin na sa larong ito.... Maaari kang kumita ng totoong pera dahil maaari mong ipagpalit ang pera mo sa laro, sa pera sa totoong buhay (Euro). Hindi tulad ng ibang laro na ingame currency lang ang batayan at labag sa terms and condition ng ibang laro ang pagbebenta ng mga ingame goods sa totoong pera